top of page

Dead Soil

ABIEGAIL!” Narinig ni Trinity ang sigaw ng kasintahang si Chase mula sa malayo habang papalapit sa kanya si Abiegail na may dala-dalang kutsilyo. Naroon sila sa farm na pag-aari ni Abie. Mabilis siyang nagtago sa likod ng puno ng mangga, hindi agad siya makikita ng babae dahil madilim na rin ang paligid. Nanginginig na sumalampak siya sa lupa, pilit na huwag gumawa ng ingay maging ang kanyang paghinga ay kanyang pinipigilan. Nagmasid siya sa kapaligiran, nakatanim room ang mga hitik sa bungang puno ng mangga at ayon sa mga balita ay kakaibang pataba raw ang inilalagay roon kaya’t maganda ang bunga ng mga puno at sa tingin niya ay magiging pataba sa lupa ang kahahantungan nila ni Chase. Si Abie ay common friend nila ni Chase at siya ring naging dahilan kung bakit sila nagkakilala five months ago.


“I know you’re here, Trin. Come out!” sigaw ni Abie. Tinutop niya ang kanyang bibig at pinipigilan ang pag-iyak. Tumutulo ang malalamig na butil ng pawis sa kanyang noo at sa tingin niya ay pati buong katawan niya ay pinagpapawisan na. Inimbitahan sila ni Abie dahil mayroon daw itong slumber party sa resthouse sa probinsiya, pumunta sila ni Chase at nagtaka sila kung bakit sila pa lamang ang taong naroroon. They waited for hours ngunit wala pa ring dumarating, nagdesisyon silang mag-ihaw na lang ng barbecue sa likod-bahay hanggang sa magkagulo na at habulin sila ni Abie ng patalim. She wants to kill us! Or me! B-because she loves Chase! Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ni Trinity, tumingala siya at tinitigan ang bilog na buwan hanggang sa bumulaga sa kanya ang bulto ni Abie, nakahanda na itong saksakin siya at wala na siyang nagawa kundi tumili.


************************



NAGRIGODON ang puso ni Chase nang marinig ang sigaw ni Trinity mula sa malayo, sa lawak ng taniman ay hindi agad niya mapagtanto kung nasaan ang dalaga, alam niyang ito ang pinupunterya ni Abie. Matagal nang may gusto siya kanya si Abie ngunit naiintindihan naman raw nito na hanggang pagkakaibigan lang kaya niyang ibigay rito, they became friends until he met Trinity sa isang birthday party, the girl whom he fell in love with. Lakad-takbo si Chase, bilog man ang buwan ay hindi pa rin ito makakatulong sa pagbibigay ng liwanag sapagkat natatakpan ng makakapal na dahon ng mga puno ang liwanag na iyon. Mula sa pinakamalaking puno ay nakarinig siya ng pag-iyak, agad siyang lumapit at naroon si Trinity na nakahandusay, katabi naman ng dalaga si Abie na nakaupo sa lupa, nakatitig lang ito kay Trinity.


“Anong ginawa mo?!” sigaw niya rito at dinaluhan si Trinity, inangat niya ang ulo nito, walang malay ngunit humihinga pa. May nakapa siyang likido sa tagiliran nito at nasisiguro niyang dugo iyon.


“I told you, akin ka lang.” sambit ni Abie, mapanganib ang tono ng boses nito. Blangko ang ekspresyon ng dalaga at pawang walang pakialam kay Trinity.


“You didn’t have to hurt her!” Niyakap niya ang kasintahan at idiniin ang panyo ng kasintahan sa sugat nito upang matigil ang pagdurugo.


“Let me tell you a story.” Itinaga ni Abie ang kutsilyo sa lupa.


“I don’t have a fucking time for your fucking story!” Gigil na sigaw niya rito akmang bubuhatin na niya ang kasintahan nang itutok nito ang patalim sa leeg ni Trinity.


“Are you going to listen or I will kill her?” Banta ng babae. Nanlilisik ang mga mata nito. Bilang sagot at naupo siya at inunan niya ang ulo ni Trinity sa mga hita niya. “Good. Minana ko ang tanimang ito mula sa mga magulang ko nang mawala sila. Noong una ay naguguluhan ako kung paano nila nagagawang pahitikin ang mga bunga ng mangga. Si Mang Teban, isa sa mga katiwala namin ay gumawa na ng maraming paraan upang maisalba ang farm mula sa pagkalugi. Ngunit isang gabi, may nadiskubre kami. Isang insidente ang nagpakita sa amin kung paano maiisalba ang lupain. Kabilugan ng buwan nang gabing iyon, kasama namin si Mang Teban upang tingnan ang mga tanim nang bigla siyang nabuwal at nawalan ng malay. Heart attack. Of course, namatay siya, hindi namin alam kung ano ang gagawin, so we decided to bury him beside this tree.” Itinuro nito ang mismong puno kung saan sila nakapwesto. “And voila! Nang mag-anihan, ang punong ito lamang ang nagkaroon ng maraming bunga, big, sweet and yellow mangoes!” Humalakhak si Abie na mukhang nasisiyahan pa. May isa siyang bagay na hindi maintindihan. Sino ang kasama nito?


“We?” Tanong niya rito.


“I am.” Tinig iyon ni Trinity. Mulat ang mga mata nito at agad siyang nakaramdam ng hapdi sa kanang parte ng leeg. “Matapos namin malaman ang bagay na iyon, we started burying dead people around here, ngunit may isa pa palang kailangan, tuwing kabilugan ng buwan kami maglalagay ng ‘pataba’ upang maging perpekto ang mga bunga. Don’t worry about me, fake blood lang ‘yan.” Tukoy nito sa sugat nito. Unti-unti niyang dinama ang leeg, nakabaon sa kanya ang isang balisong na binili ni Trinity nang magtungo sila sa Batangas.


“S-sino kayo?” Pabulong niyang tanong, nagtataka at natatakot. May dugo nang lumabas sa kanyang bibig.


“We’re sisters. Half-sisters by the way. Kailangan ka na namin ngayon dahil may bulaklak na ang mga puno namin, meaning malapit nang mamunga.” Tumayo na si Trinity at siniil ng halik sa labi si Abie at tumugon naman ang huli. Ramdam niya ang malamig na lupa habang sumasayad ang likuran niya roon.

“Nakikita mo ang punong iyon?” Tinuro ni Abie ang puno sa ‘di kalayuan at dahan-dahan niyang nilingon iyon. “Diyan ka namin ililibing.” Wala na siyang masabi pa, ang kanyang paghinga ay bumabagal kasabay ng paglabo ng paningin. Bago niya ipinikit ang mga mata ay nakikita niya kung paano siya tabunan ng lupa ng dalawa.


5 MONTHS LATER

MASAYANG namimitas sina Trinity at Abie ng mga mangga sa mismong puno na pinaglibingan ni Chase katulong ang mga tauhan nila. Aabot sa higit na dalawang daan ang punong nakatanim roon at bawat isa ay punong-puno ng bunga at handa na para sa pag-aangkat. Tsaka lang nila tinatawag ang mga ito kapag mag-aani na ng prutas dahil sila ang nagmamatini ng mga ito habang wala pang bunga. Kumuha si Trinity ng isang mangga, maganda ang kulay niyon. Binalatan iyon gamit ang kamay at isinubo kay Abie.

“So, who’s our next?” Ngumiti lang si Abie kasabay ang pagtingin sa dalawang lalaking bagong salta na inimbitahan nila upang mamitas ng mga bunga. Hinawakan nito ang kamay niya at lumapit sila sa dalawang binata.


WAKAS


10 views1 comment
Post: Blog2_Post
bottom of page